INARESTO ng Bureau of Immigration ang wanted na babaeng Chinese dahil sa kasong money laundering noong Marso 7 sa Arnaiz Ave sa Makati City.
Tinukoy ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang babaeng suspek na si Xu Yinling, 35 anyos matapos ilabas ang isang mission order ng BI .
Si Xu ay wanted sa China at may pending na detention warrant na inisyu ng Beilun Branch ng Ningbo Public Security Bureau noong Marso 24, 2022, para sa krimen ng Money Laundering.
Base sa ulat mula sa mga awtoridad ng China, na si Xu ay nakikipagsabwatan sa ilang mga kasamahan at nagpadali sa paglilipat ng mga ilegal na kita sa pamamagitan ng mga underground banking channel bilang bahagi ng isang pinaghihinalaang operasyon ng money laundering.
Lumipat si Xu sa Pilipinas upang maiwasan ang pagharap sa mga kasong isinampa laban sa kanya hanggang sa maaresto ng fugitive search unit (FSU) ng BI at ngayon ay ipapadeport na sa kanilang bansa.
