TIMBOG ang isang 70-anyos na lolo na nang gahasa sa 6 na taong gulang na apo sa isinagawang manhunt operation na ikinasa ng CIDG Rizal sa Sitio Ruhat ,Lower,Brgy.Mambugan,Antipolo City ,Rizal.
Inaresto ang suspek na si Rodrigo Casa na residente ng nabanggit na lugar noong Nobyembre 2,2022 bandang alas 2 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na Statutory rape o RA 8353 na inisyu ni Hon. Ana Zita Bernardo Abuda-Caballegan ,Presiding Judge ng RTC Branch 17 , 4th Judicial Region ng Antipolo City, Rizal noong Agosto 24, 2022 na walang nirekomendadong piyansa .
Base sa ulat ng pulisya , ginahasa ni Casas ang kanyang apo na 6 na taong gulang sa kanilang sariling tirahan.
Kabilang din ang suspek sa number 9 most wanted person sa regional level ng Police Regional Office 4-A .
Ayon kay PLtCol.Joel Manuel Ana, pinupuri niya si PMaj.Leopoldo Cajipe Jr. at ang kanyang team sa pagbibigay hustisya sa biktima sa ginawang panggagahasa sa kanyang sariling kadugo sa loob ng kanilang pamamahay kung saan itinuturing na isa dapat na ligtas na lugar para sa bata.