May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

700k na droga nasabat sa HVI sa buy bust operation

Ni Alex dela Cruz

ARESTADO ang High Value Individual (HVI) sa isinagawang Buy-bust Operation ng Calamba PNP kaninang madaling araw .

Kinilala ni Police Colonel Randy Glen Silvio , Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Ronald residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni PLtCol Milany Martirez , hepe ng Calamba City Police Station naaresto ng mga operatiba sa buy-bust operation bandang 12:53 ng madaling araw , Abril 4, 2023  sa may Purok 3B, Brgy. Pansol, Calamba City mtapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Kumpiskado sa suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na aabot sa 105 gramo at may halagang humigit kumulang na Php 714,000.00, isang sling bag na naglalaman ng Php 3,000.00, at narekober naman sa suspek ang buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang suspek sa kasong Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.