
PORMAL nang na-turn over ang 78 Housing Units sa Bldg 6 ng Rizalville ngayong araw sa Brgy. Banlic, Calamba City, Laguna .
Ayon kay Calamba Mayor Ross Rizal ng Calamba ang pabahay ay may kabuuang 408 units ang nakalaan para sa mga Calambeno.
Ang pabahay ay para sa mga displaced na Calambenos na kwalipikadong benepisyaryo na may mga trabaho at disenteng kita.
Naisagawa ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba at pakikipag-ugnayan sa Department of Human Settlement and Urban Development, Department of Transportation and Railways at Social Housing Finance Corporation.