February 23, 2024

8 biktima ng human trafficking nasagip sa Maynila

WALONG biktima ng sex trafficking ang nailigtas  ng National Bureau of Investigation o NBI sa Maynila.

Nasagip ang mga biktimang kinabibilangan ng anim na menor de edad . Lima rito ay kababaihan habang  anim naman  ang  nasa edad 9 hanggang 12 -anyos.

Natimbog ang bugaw na suspek sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng isang undercover agent ng NBI.

 Ngapadala ng mga larawan ng mga biktima ang suspek upang makapili ang agent at saka nagbayad para rito.

Mga kasong human trafficking at child abuse ang isasampa sa suspek.