June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

8 Japanese scammers pina-deport ng BI

WALONG Japanese nationals pina-deport ng Bureau of Immigration matapos maaresto ang mga ito dahil sa pangii-scam .

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na na-aresto ang walong ito noong Pebrero 11, 2020 sa isang resort sa Sitio Lilian, Famy Laguna ng mga operatiba ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa isang joint operation kasama ang National Bureau of Investigation Laguna District Office (NBI-LAGDO).

Natagpuan sa lugar ang maraming telepono at script na ginagamit sa pangloloko ng kanilang mga biktima.

Ayon sa mga ulat, sangkot ang walong ito sa isang scam na naglalayong mang-akit ng mga Japanese nationals at marami sa kanilang mga biktima ay mga retiradong senior citizens.

Sinasabing milyon-milyong piso ang na-scam ng sindikato sa kanilang scheme na umiiral nang hindi kukulangin sa tatlong taon.

Bagaman naniniwala ang mga awtoridad na hindi konektado ang walong ito sa Luffy gang, sinasabi na sila ay gumagamit ng parehong modus na nakatutok sa mga Japanese elderly.

Ang mga deportee ay sumakay ng Japan Airlines flight patungo sa Narita sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Martes.

Pagkatapos ng kanilang deportasyon, ang kanilang mga pangalan ay isinama sa blacklist ng BI, na nangangahulugang sila’y hindi pinapayagang bumalik sa bansa.