February 24, 2024

9 katao arestado sa sugalan

Ni Alex dela Cruz

HULI sa akto ng pagsusugal ang siyam na indibidwal sa kinasang anti-illegal gambling operation ng mga awtoridad kahapon .

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sila alyas Richard, Khaina, Sotero, Leonora, Darwin, Josel, Reivid, Vince at Reymart.

Ayon sa ulat ni PMaj Robin L Martin, hepe ng Siniloan MPS, nagsagawa ng anti-illegal gambling operation kahapon bandang alas- 9:40 ng gabi sa may Brgy. Wawa na nag resulta sa pagka aresto ng mga suspek matapos maaktuhan na nag lalaro ng illegal na sugal.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang (1) Roulette wheel, dalawang (2) pirasong tarpauline na may nakaimprentang mga numero at bet money na nagkakahalaga ng Php 6,893.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Siniloan MPS at nahaharap sila sa kasong kriminal na RA 9287 “An Act Increasing the Penalties For Illegal Numbers Games, Amending Certain Provisions of Presidential Decree No. 1602”