Photo from PNA
REHISTRADO na ang nasa 643,987 botante mula nang magsimula ang panahon ng pagpaparehistro para sa 2025 midterm polls, ayon sa Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ng Martes.
Sinabi ng Comelec na ang mga aplikasyong ito ay isinumite mula Pebrero 12 hanggang 24 — 335,831 sa mga ito ay mga kababaihan habang 308,156 naman ay mga kalalakihan.
Pinakamarami ang nagparehistro sa rehiyon ng Calabarzon na may 115,167 na sinusundan naman ng National Capital Region na may 95,557.
Kabilang din sa top five regions na may
Pinakamaraming aplikante ang Central Luzon na may 68,676; Central Visayas na may 51,199; at Davao Region na may 36,937.
Ang tatlong rehiyon naman na may pinakakaunting bilang ng aplikasyon ay ang Cordillera Administrative Region na may 7,598; Mimaropa na may 15,602 at Cagayan Valley na may 19,324.
Samantala, mayroong 694 na aplikante ang nagfile sa harap ng Register Anywhere Program (RAP) booth sa pangunahing opisina ng Comelec sa Intramuros, Maynila.
Inaasahan ng Comelec na magparehistro ng mga 3 milyong botante sa loob ng pitong-buwang panahon ng pagpaparehistro na magtatagal hanggang Setyembre 30.
