
NATUSTA sa nagliliyab na apoy ang tatlong senior citizen makaraang masunog ang kanilang bahay sa Taytay, Rizal noong Linggo ng gabi.
Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay mga magkapatid na naipit sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Brgy. Dolores sa Taytay.
Nagsimula ang sunog bandang 9 ng gabi noong Linggo at agad itong sumiklab sa buong bahay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nakalabas na ang dalawang kapatid mula sa naglalakihang apoy ngunit bumalik sila sa nasusunog na bahay upang iligtas ang isang kapatid na may kapansanan o PWD.
Hinihinalang nag-overheat na electric fan ang pinagmulan ng sunog dahil sa tindi ng init ng panahon.
Naapula ng mga bumbero ang apoy makalipas ang isang oras .
Sinabi ng BFP Taytay bna nahirapan ng bahagya ang mga bumbero dahil sa bawat tapak sa yero ng kabahayan ay nakukuryente sila dahil sa pagkadikit ng wire sa bakal .
Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa nasabing insidente habang inaalam pa ang danyos ng mga nasunugan.