PINA-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang Amerikanong si Lee O’Brian na dating live-in partner ng Filipino comedian na si Marietta Subong, na mas kilala bilang Pokwang .
Matatandaan na noong nakaraang taon,nagsampa si Pokwang ang kaso ng deportation laban sa kanyang ex- partner dahil sa pagtatrabaho nang walang working permit .
Ayon pa kay Subong, si O’Brian ay nagtrabaho sa iba’t ibang production companies nang hindi nag-aasikaso ng kinakailangang permist mula sa Department of Labor and Employment at BI.
Kaya naman ipinatupad ng BI ang nasabing reklamo at deportasyon kay O’Brian noong Disyembre dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kanyang pananatili. Naghain si O’Brian ng motion for reconsideration ngunit na reject ito.
Si O’Brian ay pina-deport noong Abril 8 ng gabi sakay ng isang flight ng Philippine Airlines patungo sa San Francisco matapos na kumpirmahin ng BI na wala siyang nakabinbing kaso sa Pilipinas.
Bilang bunga ng kanyang deportation, isinama ang kanyang pangalan sa blacklist ng BI, na nagbabawal sa anumang susubok na muli siyang pumasok sa bansa.
