NASAWI ang tatlong katao, kabilang ang isang siyam na taong gulang na batang lalaki at pitong iba pa ang nasugatan sa naganap na aksidente sa kalsada na bahagi ng Tiaong, Quezon nitong Linggo ng umaga .
Base sa ulat na nakarating kay Police Regional Office 4A (Calabarzon) regional director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas , natukoy ang mga biktima bilang sina Angelo Palacio, 17; Guillermo Catamco Jr., at Leo Dizon Mintecalbo, 9, na pawang residente ng Masbate City.
Sila ay lulan ng isang Toyota van na minamaneho ni Emgee Catalla Compuesto.
Nasugatan naman sina Lenie De Los Reyes Dizon, 52; Eric Atienza, 51; Nasser Fajardo Lominog, 34; Rex Açuña Cañete, 27; Sandy Reyes Flores, 13; Jean Cabacus, 12; at Rosjan Semilliano Pelayo, 3, na mula rin sa Masbate City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya , ang pagbangaan ay nangyari bandang 3:30 ng madaling araw ng Linggo sa Maharlika Highway sa Bgy. Talisay, Tiaong, Quezon.
Naganap ang trahedya nang mag-overtake ang isang Mitsubishi X-pander na minamaneho ni Francis Ramos, 56, na residente ng Bgy. Bukal, Pagbilao, Quezon.
Na siyang bumangga aman ang van sa Mitsubishi X-pander sa isang paparating na Bicol Isarog na bus na minamaneho ni Anthony Sambrano Nazareno, 34, ng Manambag, San Andres, Catanduanes.
