HINATULAN ng guilty ng Sandiganbayan sina ex-Quezon City mayor Herbert Bautista at dating city administrator Aldrin Cuña sa kasong graft at hinatulan ng anim hanggang 10 taong pagkakakulong .
Sina Bautista at Cuña ay diskwalipikado na din ng habang buhay na magsilbi sa public office.
Sa 146-pahinang desisyon na inilabas noong Lunes, napatunayang guilty ng Sandiganbayan sina Bautista at Cuña sa mga kaso.
.Kinakaharap nina Bautista at Cuña na kasong graft ay ang sinampa noong 2019 na P32 milyon sa pribadong supplier na Geodata Solutions Inc. para sa Online Occupational Permitting Tracking System, na dapat ay magpapabilis sa mga transaksyon sa city hall.
Ayon sa prosekusyon, nagpatuloy ang pagbabayad kahit walang pahintulot mula sa Konseho ng Lungsod at patunay ng kumpletong paghahatid ng supplier.
Ang Anti-Graft Court ay hindi nag-utos kay Bautista at Cuña na magbayad ng multa dahil ang pampublikong pondo na sangkot ay natanggap ng pribadong kumpanya na hindi partido sa kaso.
Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta at sinang-ayunan nina Associate Justices Zaldy Trespeses at Georgina Hidalgo.
Si Bautista ay naglingkod bilang alkalde ng Quezon City sa tatlong magkakasunod na termino mula 2010 hanggang 2019.
