Camp Miguel C Malvar, Batangas City – NATIKLO ang isang 54-anyos na magsasaka matapos ang 19 taong pagtatago sa Oriental Mindoro batas dahil sa kinkaharap na kasong (3) counts ng lascivious conduct sa lalawigan ng Batangas.
Matagumpay na naaresto ang suspek na si alyas “Edwin” tubong Brgy. Sampa, Sta. Teresita, Batangas at residente ng Purok 4, Brgy. Sampaguita, Naujan, Oriental Mindoro.
Ipinag-utos ni PCol Jacinto R malinao Jr. , Acting Provincial Director ng Batangas sa Sta Teresita Municipal Police Station na pinangungunahan ni PMaj Mario M Formento, Chief of Police kasama ang Provincial Intelligence Team Batangas at Regional Intelligence Unit 4A, ang operasyon na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek bandang alas-6:30 ng gabi ng Enero 21, 2025, sa Purok 4, Brgy. Sampaguita, Naujan, Oriental Mindoro.
Inihain ng mga operatiba ang warrant of arrest na inisyu ni Honorable Juanita G. Areta, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 86, Taal, Batangas, noong Hulyo 27, 2006 para sa tatlong (3) counts ng Lascivious Conduct, naka-docket sa ilalim ng criminal case nos. 29-06, 30-06, at 31-06 at bawat isa ay may inirekomendang piyansa na walumpung libong piso (Php 80,000.00).
Sa pag-aresto sa suspek ipinaalam ang kanyang constitutional rights at sumailalim ito sa medical at physical examination sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery, Batangas. Ang operasyonay ginamitan ng Alternative Recording Device para sa wastong dokumentasyon.
Sinabi naman ni PCol Malinao , “Pinupuri ko ang walang patid na dedikasyon at propesyonalismo na ipinakita ng ating PNP Personnel sa kanilang matagumpay na joint manhunt operation. Ang kanilang walang humpay na paghahangad ng hustisya ay nagresulta sa pagkahuli ng isang kilalang tao. Ang Batangas Police ay nagpapatuloy sa kanilang masigasig na pagsisikap sa paghuli sa mga nagbabanta sa kapayapaan at Seguridad ng ating lalawigan”.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Sta. Teresita Municipal Police Station ang nasabing suspek.
