ISANG taxi driver mula Iloilo na nagsauli ng bag na naglalaman ng P2.4 milyon na naiwan ng isang pasahero sa kanyang taxi nitong Miyerkules.
Pinuri ni lLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III si Anthony Barredo Aguirre para sa kanyang mabuting nagawang katapatan at integridad.
“Mr. Aguirre’s exemplary act of honesty is proof that there are still good and honorable Filipinos who prioritize integrity over personal gain. He is a model for everyone in the transport sector,” ayon sa hepe ng LTFRB.
Si Aguirre ay residente ng Bgy. Amparo , Pavia sa Iloilo nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang operator na nagtatanong kung may pasaherong naka-iwan ng bag sa kanyang taxi.
Nang tingnan ang passenger side ng sasakyan, nakita ni Aguirre ang bag sa ilalim ng upuan.
Sa halip na itago ang pera, dinala ni Aguirre ang bag sa lokal na istasyon ng pulisya, tinitiyak na maibabalik ito sa nararapat na may-ari nito.
“Bagaman malaking tulong sa buhay nila ang ganoong halaga, pinili pa rin niyang gawin ang tama. Ang kanyang mga aksyon ay nagbibigay inspirasyon sa pagtitiwala at paggalang sa industriya ng transportasyon, “sabi ni Guadiz.
Hinikayat ng LTFRB chair ang iba pang utility vehicle drivers na tularan ang halimbawa ni Aguirre.
