NASAMSAM ang tinatayang P36-M halaga ng mga pekeng Huawei products sa siyam na lugar sa Maynila at Pasay City .
Agad na nagpatupad ng Search Warrants ang National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR), sa pamumuno ni Director Ret. Judge Jaime Santiago laban sa Trademark Infringement sa ilalim ng RA 8293 makaraang isampa ang reklamo ng nagngangalang Lee Bumgarner Inc. (LBI) ng kanilang kliyenteng Huawei.
Nagresulta ng pagkakasamsam ng bulto ng mga pekeng produkto na may tatak ng HUAWEI na may tinatayang halaga na Php 36 Milyon.
Pinuri ni Director Santiago ang mga operatiba ng NBI-NCR sa matagumpay na pagpapatupad ng nasabing mga warrant at pinaalalahanan ang publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga pekeng produkto.
