MAS pinalawig pa ng Office of the Vice President (OVP) ang oras ng operasyon ng Libreng Sakay sa National Capital Region (NCR) bunsod ng nakatakdang tatlong araw na transport strike mula April 15 hanggang April 17, 2026.
Magsisimula ang Libreng Sakay sa Abril 15 hanggang 17 mula alas 5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi naiikot sa mga rutang Monumento-PITX (EDSA carousel), Quiapo – Commonwealth route at PITX- Naic, Cavite route .
Ayon sa OVP, layunin ng programang Libreng Sakay ng OVP na mas mapalawak ang serbisyong maibibigay at mas maraming pasahero ang matulungan, lalo na ang mga manggagawa, estudyante, at iba pang umaasa sa araw-araw na biyahe sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang oras sa umaga at isang oras sa gabi.
