SUSPENDIDO ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Huwebes, Mayo 1, 2025.
Ayon ito sa inilabas ng Metro Manila Development Authority o MMDA bilang paggunita sa Araw ng Paggawa o Labor Day na isang regular holiday.
Nagpaalala ang MMDA sa lahat ng motorista na kahit saan man ang destinasyon ay dapat na laging tandaan planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang anuman aberya sa kakalsadahan.
