RATIPIKADO na ang batas na naglalayom sa pagtatayo ng hindi bababa sa dalawang Philippine Science High School (PSHS) campus ang ipapatayo kada rehiyon.
Tiniyak ni Senador Win Gatchalian ito matapos maratipikahan ang bicameral conference committee report ng Expanded Philippine Science High School System (PSHS) System Act (Senate Bill No. 2974 and House Bill No. 9726).
Nakasaad sa niratipikahang panukala na bagama’t hindi bababa sa dalawang PSHS campuses ang itatayo kada rehiyon, hindi maaaring itayo ang mga ito sa parehong probinsya. Ang panukalang batas na PSHS System sa ilalim ng administrative supervision ng Department of Science and Technology (DOST).
Sa sitwasyon naman ng National Capital Region, hindi maaaring magkaroon ng dalawang PSHS campus sa parehong lungsod.
“Sa pagtatatag natin ng mga Philippine Science High School campuses sa bawat rehiyon sa bansa, maihahatid natin sa mas maraming mga kabataan ang pagkakataong makatanggap ng dekalidad na edukasyon sa science, technology, engineering, at mathematics. Mahalaga ito dahil magsisilbi itong pundasyon sa pagsulong ng inobasyon sa ating bansa,” ani Gatchalian, co-sponsor at isa sa mga may akda ng naturang panukala.
Sa kasalukuyan, mayroong 16 PSHS campuses sa buong bansa.
