TUMANGGAP ng tulong pinansyal at food packs ang mga Pinoy hotel workers ng Carmel Forest Haifa sa Telaviv na apektado ng tumaas na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Ang bawat OFW ay nakatanggap ng $200 na tulong pinansyal sa pamamagitan ng DMW AKSYON Fund bilang pansamantalang tulong at suporta sa kanilang mga pangunahing pangangailangan sa gitna ng krisis.
Sa pamamagitan ni Labor Attaché Rodolfo Gabasan kasama ang grupo ng Migrant Workers Office (MWO) sa Tel-Aviv ang pagbibigay ng immediate on the ground assistance sa mga OFW sa oras ng emergency na sitwasyon ay direktiba nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac upang higit na matiyak ang proteksyon at kapakanan ng mga OFW.
