DALAWANG Pilipinong seaman ang nasawi matapos atakehin ang kanilang sinasakyang barko habang bumabagtas sa Strait of Hormuz nitong Lunes.
Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 2, ang pagkamatay ng dalawang Pinoy crew.
Ayon kay Cacdac, ang Saudi crude oil tanker na SIDR ay tinamaan ng hindi pa matukoy na projectile habang papalapit sa Strait of Hormuz.
“Sa kasamaang-palad, dalawa nating tripulante ang nasawi bilang resulta ng pag-atake,” pahayag ni Cacdac.
Nasa Oman na ang mga labi ng dalawang biktima, habang ligtas naman ang 14 pang Filipino crew at naghihintay ng kanilang paglipad pauwi sa Pilipinas sa tulong ng mga awtoridad ng Oman.
Iniutos umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagpapauwi sa mga nakaligtas na Pinoy seafarers at pagbibigay ng buong ayuda sa mga pamilya ng dalawang nasawi.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Cacdac sa mga naulilang pamilya.
Muling nanawagan ang DMW sa mga ship owner na may mga Pilipinong tripulante na iwasan muna ang Strait of Hormuz, na itinuturing na high-risk area dahil sa tumitinding tensiyon sa rehiyon.
Patuloy ang kaguluhan sa lugar kasunod ng mga airstrike at tensiyon na kinasasangkutan ng Iran, United States at Israel, dahilan upang maging mas delikado ang paglalayag sa estratehikong lagusa
