AGAD na sinuspindi ang sesyon sa kamara dahil sa napipintong umuugong na kudeta at palitan ng liderato ngayong araw ng Martes , Setyembre 17.
Numero uno sa listahan ng mga kongresistang napipisil na papalit kay House Speaker Martin Romualdez ay si Deputy Speaker Faustino Dy ng 6th District ng Isabela.
Kasama din sa listahan ng mga pinagpipilian ay sina Lone Distrcit Navotas Representative Toby Tiangco, Cebu 5th District Representative Vincent Franco Frasco, Bacolod Lone District Representative Alfredo Benitez at Deputy Speaker Ronaldo Puno ng 1st District ng Antipolo.
Nag-ugat ang palitan ng liderato dahil sa pagkakasangkot ng pangalan ni Romualdez sa imbestigasyon sa senado ng maanomalyang proyekto ng mga Discaya ngunit mariiin ring itong itinanggi .
Pinakaabangan ang anunsiyo bukas, araw ng Miyerkules bago magbukas ang sesyon ang bagong House Speaker ng Kamara.
