PINATUTSADAHAN ni Davao 1st District Representative Paolo Duterte ang administrasasyong Marcos hinggil sa palitan ng liderato sa kamara ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 17.
Tinawag ni Duterte na isa lamang cover-up ang pagtatalaga kay bagong House Speaker Faustino “Bojie” Dy ng 6th District ng Isabela dahil pinili lamang daw umano ito ng anak ng Pangulo na si 1st District Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na kapartido nito sa pulitika.
Sinabi ni Duterte sa isang pahayagi“ Ngayon, pinalitan si Martin Romualdez, tapos si Rep. Faustino “Bojie” Dy daw ang ipapalit. Sino ang pumili? Walang iba kundi si Sandro Marcos — partymate sa Partido Federal, anak mismo ng Pangulo. Ano ‘to? Isa na namang cover-up move! Palit lang ng mukha pero parehong bulok pa rin ang sistema.”
Kinuwestiyon rin ni Pulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung seryoso daw ba Talaga ito upang labanan ang korapsyon.
Hinamon rin niya na bakit hindi mag-file agad ng kaso laban sa mga tiwaling mambabatas.
Aniya, “Hindi matatapos ang corruption sa iyak iyak at bolahan lang… Patunayan nman natin hindi lang ito puro salita.”
IHinamon rin niya ang Department of Public Works and Highways na maglabas ng komprensibong listahan ng proyekto sa lahat ng distrito upang magkaalaman na.
Sinabi pa ni Duterte , “ Tama na ang panloloko. Tigilan na ang palabas. Kung gusto niyong respetuhin pa kayo ng tao, harap-harapan n’yong labanan ang korapsyon — walang sacred cows, walang cover-up, walay atik-atik. Kung hindi niyo kayang linisin ang sarili ninyo, mas mabuti pa umuwi na lang tayong lahat.”
