Larawan mula kay Mayor john Masinsin
ISANG private helicopter ang bumagsak nitong Martes ng umaga na nag-iwan ng dalawang patay at tatlong iba pa ang sugatan sa Pililia, Rizal.
Sinabi ni Pililla Mayor John Masinsin na naganap ang insidente bandang 7:27 ng umaga noong Martes sa Upper Barak sa Bgy. Quisao.
Isang dayuhan ang idineklarang patay habang ang piloto ay kritikal na nasugatan.
Sinabi ni Rizal Provincial Police Office Director Col. Eleazar Barber Jr. na patuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa mga kinauukulang ahensya upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak.
Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na iniimbestigahan nito ang isang forced landing ng isang Bell 505 helicopter na papuntang Maynila patungong lalawigan ng Quezon.
Sinabi ng CAAP na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board nito, at magbibigay ng mga detalye kapag kumpleto na ang mga ito.
