INIHAIN sa kamara ng Chairperson of the Committee on Ways and Means na si Rep. Miro S. Quimbo, ang House Bill 8257 na nagbibigay sa Pangulo ng Pilipinas ng awtoridad na suspindihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo matapos ang tumitinding tensiyon sa Middle East lalo na sa panahon ng national at global economic crisis .
Ang panukalang batas ay pag-aamyenda sa Section 148 ng National Internal Revenue Code (NIRC) ng 1997 upang magtatag ng isang legal at kondisyonal na mekanismo para sa pansamantalang pagsuspinde ng mga excise tax sa gasolina kapag may mga hindi pangkaraniwang pangyayari.
