MAGLULUNSAD ang gobyerno ng online platform at iba pang digital channels. website para sa pag-uulat ng talamak na pagkalat sa social media ng “fake news” at maling impormasyon sa bansa.
Inanunsiyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nitong Biyernes na hindi kukunsintihin ng ahensiya ang pagkalat ng fake news, at dapat na mapanagot sa at magkaroon ng legal na aksyon sa mga gumagawa nito.
Matatandaan noong nakaraang Marso lamang ay naglunsad ang PCO ng Oplan Kontra Fake News at nagtatag ng Anti-Fake News Desk kung saan maaaring mag-ulat ang mga mamamayan ng kahina-hinalang content assessment at posibleng aksyon ng mga ahensya.
