ASAHAN na ang malaking rollback sa presyo ng langis sa daratring na Martes ika-14 ng Abril, 2026 ayon sa anunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Linggo.
Aniya, tinatayang aabot sa P20. 89 ang ibabawas sa presyo ng produktong diesel, habang sa gasolina naman ay P4. 43 kada litro, at sa kerosene naman ay P8.50 kada litro ang ibaba.
Malaking tulong ito sa mga drayber , commuter at sa bawat pamilyang Pilipino na araw araw naapektuhan sa mataas na presyo ng krudo, ayon pa pahayag ni Marcos .
“ Hindi pa ito sapat kaya’t tuloy- tuloy naman ang ginagawa ng pamahalaan upang maibsan ang epekto sa pang-arawaraw na buhay. Hindi po tayo titigil hangga’t hindi natin napapaba ang gastos sa byahe at sa kabuuuang pamumuhay ng ating mga kababayan.”, dagdag pa nito .
Asahan na rin ang aanunsiyo ng pangulo sa mga susunod na araw o Linggo na mga karagdagang hakbang at tulong mula sa gobyerno .
