HINDI papatawan ng parusa , walang mga surcharge, parusa, o multa para sa mga mahuhuling paso na ang mga lisensiya at rehistro ng saskayan ngayong panahon ng krisis.
Inanunsiyo ang pagpapalawig ng Land Transportation Office (LTO) ng tatlong buwan ang bisa ng mga lisensiyang mapapaso simula ngayong Abril 2026.
Kabilang sa mga mag-eextend ang mga lisensya ng mga driver , konduktor, Student-Driver’s Permits at rehistro ng Motor Vehicle .
Ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na tugunan at pagaanin ang pasanin ng publiko sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin.
