BINILI ng Office of the President ang 20 toneladang gulay mula sa Beguet upang suportahan ang mga magsasakang apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ipamimigay ang daan-daang kilong gulay mula sa La Trinidad, Benguet, upang magbigay ng tulong sa pagkain sa mga pamilyang nangangailangan, sa iba’t- ibang lugar.
Ipapamahagi ito ng Malcanang sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila tulad ng lungsod Quezon, Pasay, Caloocan, Malabon, Navotas .Kabilang rin sa makakatanggap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Walang Gutom Kitchenette , New Bilibid Prison sa Muntinlupa at Manila City Jail.
Ang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng National government na magbigay ng suporta sa pagkain at tulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng direktang pagkuha ng mga ani mula sa mga lugar ng agrikultura .
