OPISYAL nang Mrs. Co ang aktres na si Bea Alonzo.
Ito ay matapos silang ikasal ng negosyanteng si Vincent Co nitong Lunes ng gabi sa Makati City.
Pinangunahan ni Makati Mayor Nancy Binay ang kasal nina Bea at Vincent.
“Kinasal ko na po sila,” sabi ni Binay sa isang post sa social media habang binabati ang bagong kasal.
Ibinahagi ni Binay ang isang larawan ng seremonya sa social media.
Iilan lamang ang mga bisitang dumalo sa espesyal na kaganapan.
Nagsimula ang relasyon ng magkasintahan noong 2024.
Noong Hunyo, kumalat ang mga tsismis tungkol sa posibleng paghihiwalay matapos mapansin ng mga tagahanga na in-unfollow ng aktres si Vincent sa Instagram.
Ang espekulasyon tungkol sa posibleng paghihiwalay ay naiulat na nag-ugat sa umano’y pre-nuptial agreement.
Hindi kinumpirma nina Bea at Vincent ang tsismis tungkol sa pre-nuptial agreement.
Si Vincent ang presidente ng higanteng retail na Puregold Price Club. Siya ang nag-iisang anak ng mga bilyonaryong sina Lucio at Susan Co, na nagtayo ng imperyo ng Puregold, real estate, at alak.
