MAGKAKAROON na ng Radio Frequency Identification (RFID) System sa Alitagtag National High School sa Alitagtag,Batangas kung saan malaki ang maitutulong sa mga magulang ng mga mag-aaral roon .
Ang pondong inilaan ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at upang mapadali ang pagmomonitor ng mga magulang sa kanilang anak mula pagpasok ng ekwelahan hanggang sa paglabas.
Sa tuwing papasok ang bata sa paaaralan ay kinakailangang i-tap lamang ang kanilang ID at magpapadala text messages sa kanilang magulang kung saan nakapasok na ang estudyante at gayundin sa oras ng uwian matapos ang klase.
Makikinabang rin ang mga guro sa sistemang ito dahil sa mas mapapadali ang kanyang pagmomonitor sa attendance ng mga mag-aaaral.
Isa rin itong magandang ideya sa pagpapadala ng mensahe sa mga magulang mula sa paaaralan tulad ng pag kasela ng klase, meetings at iba pang anunsiyo .
Maglalaan pa ng karagdagang pondo sa taong 2023 ang lokal na pamahalaan para sa iba pang paaaralan sa kanilang bayan.
