
Inaresto ng mga operatiba ng NAIA PDEA Inter agency drug interdiction Task Group (IADITG) ang isang claimant ng parcel na naglalaman ng higit sa isang million pisong halaga ng High grade marijuana o Kush mula San Diego California.
Kinilala ang suspek na si JUANITO JOSE DIAZ REMULLA III 38 yrs old, residente ng Las Piñas
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ay isinagawa ng NAIA PDEA IADITG ang isang controlled delivery sa isang parcel na ipinadala ng isang nagngangalang Benjamin Huffman, ng San Diego, California USA. Ang nasabing parcel ay naka consign naman kay Juanito Remulla, na naka address sa Las Piñas City,
Laman ng nasabing parcel ang 937 gramo ng high grade marijuana o Kush na may street value na aabot sa P1,311,800.00.
Sa ngayon ay nakatakda ng i-inquest ang suspek sa Las Piñas prosecutors office bago dadalhin sa PDEA jail sa Quezon City.