June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Belmonte, pinagtibay ang suporta para labanan ang HIV , TB at Hepatitis

Ni Chris Lucas

PINAGTIBAY sa lungsod Quezon ang komitment ng lungsod  sa Sevilla Declaration of Centralilty of Communities HIV, TB and viral Hepatitis responses .

Ayon kay Mayor Joy Belmonte , layunin ng paglagda na tiyaking   nasa komunidad ang sentro ng lahat ng pagsisiskap ng pamahalaang lungsod na makamit ang sustainable development goals na may kaugnayan sa HIV , Tubercolosis at ang pagsugpo sa viral Hepatitis sa taong 2030 sa pamamagitan ng legislative support, financial resources, innovative programs, at ang pagpapaigting ng partisipasyon ng komunidad.

Dagdag pa ni Belmonte sinelyuhan ng paglagda ang komitment ng pamahalaang lungsod na makapagbigay ng whole-of-city approach sa pagreresolba ng mga kaso ng HIV, TB at viral Hepatitis.

Magdadagdag pa aniya ang lungsod ng mga resources upang mas maalalayan pa ang mga nasa vunerable sector tungo sa mas maunlad na komunidad.

Sa nasabing pledge signing na isinagawa sa Sevilla, Spain, naging panelist din si Belmonte at kanyang tinalakayang samut-saring isyu ng mga migrant workers.

Kasama rin niyang naging panelist sa conference  ang iba pang mga local officials mula Sevilla (Spain), Bangkok (Thailand), Kingston (Jamaica), Gaborone (Botswana), Kyiv (Ukraine) Blantyre (Malawi), Libreville  (Gabon), at Texas (United States of America).

Si Belmonte ay nasa España upang tanggapin ang parangal na ibinigay sa Quezon City para sa kanilang masinop at epektibong pagtugon sa Covid-19.