May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

Abogado,pinasok sa opisina saka pinagbabaril

PINAGBABARIL sa opisina ang isang abogado sa Sto.Tomas City,Batangas kahapon ng umaga.

Tinukoy ng mga otoridad ang napaslang na biktimang si Reginald Michael Manito,42 anyos ng No.63 Gen.Malvar .Ave.Barangay Poblacion 1,Sto.Tomas City.

Ayon sa ulat ,dalawang  armadong kalalakihan ang biglang pumasok sa kanyang opisina at saka ito pinagbabaril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

PAgkatapos ng pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek patungo sa di malamang direksyon.

Isinugod naman kaagad ang biktima sa St.Cabrini Medical Center ngunit ideneklara na itong dead on arrival.

NAgsasagawa naman ng manhunt operation  ang pulisya  upang mahuli ang mga salarin sa pangyayari.

NAnawagan naman si Batangas Provincial Police Director Col.Glicerio Cansilao na “Kung sino man ang may impormasyon  sa kinaroroonan ng  suspek ay agad ipaalam sa mga awtoridad sa agarang ikalulutas ng kaso”.

Inaalam na rin ang naging motibo ng mga suspek sa pamamaril.