NAGHATID ng Tulong Medikal Caravan ang Akay ni Sol Partylist sa Cabuyao , Laguna nitong nakaraang Sabado, Marso 15 .
Pinangunahan ni dating Congresswoman at ngayo’y tumatakbong gobernador ng lalawigan na si Sol Aragones ang pamamahagi ng iba’t-ibang uri ng gamot tulad ng bitamina para sa mga bata at matatanda, gamot sa highblood, cholesterol, diabetes, antibiotics ,antacid at marami pang iba.

Matatandaang si Aragones ay nakapagbigay na rin ng higit sa 50,000 wheelchair, t ungkod , 25,000 saklay, libo-libong nebulizer, hearing aid, pang BP at 60,000 pangkabuhayan para sa mga kababayang Lagunense.
Magpapatuloy ang pag-iikot ng grupo ni Aragones sa iba’t-iba pang lugar sa lalawigan upang makapaghatid ng tulong sa mga kababayang nangangailangan ng kanyang mga serbisyong medikal.
Katuwang ng Tulong Medikal Caravan ng Akay ni Sol partylist ang opisina ni Senador Alan Peter Cayetano.
