
NAARESTO noong Biyernes ng magkasanib na pwersa ng mga operatiba ang dalawang babaeng drug suspect kung saan nasamsam ang nasa P340 milyong halaga ng shabu sa Muntinlupa City.
Inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Intelligence Service (IS), sa pakikipag-ugnayan sa PDEA-National Capital Region Southern District Office, at Philippine National Police-Drug Enforcement Unit Muntinlupa ang operasyon sa isang subdivision sa Bgy. Putatan.
Nakuha mula sa mga suspek na sina alyas “Joy” at alyas “Liezel” ang isang kahon na naglalaman ng 25 golden aluminum packs, isang bagahe na naglalaman ng 20 vacuum-sealed orange packs na may tatak na “Cote d’Ivoire,” isang pulang resuable bag na naglalaman ng limang vacuum-sealed orange packs na may tatak din na “Cote d’Ivoire na may bigat na halos 5 kilo” na may timbang na halos 5 kilo. P340 milyon.
Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay dinala sa laboratoryo ng PDEA para sa karagdagang pagsusuri .
Sinampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs) at 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.