INAMIN ni Alden Richards kay Boy Abunda sa kanyang pinaka bagong show sa GMA 7 na Fast Talk with Boy Abunda ang totoong estado nila Julie Anne San Jose.
Nang sumalang si Asia’s Multimedia Star ang sumalang sa 3rd episode ng FTWBA dito naitanong kung sino sa showbiz industry ang muntik na niyang maging girlfriend.
Natahimik nang bahagya si alden at nagsigawan ang audience na sabihin na ang totoo.
Sa kanyang sagot , hayagang sinabi nito na si “Dalawa po, eh. Si Winwyn (Marquez) and Julie (Anne San Jose).”
At nang tanungin ni Tito Boy kung bakit hindi natuloy kay Winwyn ay dahil aniya sa trabaho.
Habang kay Julie Anne , naman ay aminadong kasalanan din niya dahil desidido siya na mas mag focus sa trabaho.
Saka na lang niya naisip na umabot sa 7 taon na pala silang hindi nag-uusap mula nang maghiwalay sila.
“Naniniwala po kasi ako na time really heals everything. And mahirap po kasing ipilit, eh. Na gusto mo nang magkaayos kayo, pero ‘yung panahon, hindi pa tama, kasi sariwa pa po ‘yung sugat, eh. And hindi po natin maididikta sa puso natin kung kailan gagaling ‘yun. It really depends upon the person,” aniya.
At dumating ang pagkakataon sa rehearsal ng Sunday pinasaya nang makakuha siya ng right timing.
Nilock niya ang pinto at kinausap si Julie na one on one.
“Pagkatapos po ng usapan, parang may ibang relief po sa kalooban. Na para bang for the longest time, iniiwasan ko po siya. Pero nu’ng nangyari ‘yung moment na ‘yun, may dala rin pala ako.
“Now, we’re very much good friends po,” at alam niyang masaya na si Julie sa piling ng nobyong si Rayver Cruz.
