June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

No.2 MWP sa Calabarzon, tiklo sa 5counts na rape case

Ni Alex dela Cruz

Camp Vicente Lim, Calamba City- Arestado ang tinaguriang No.2 Most wanted Person sa rehiyon ng Calabarzon dahil sa kasong 5 counts na panggagahasa sa Pagbilao, Quezon.

Base sa ulat na nakarating kay Col. Marlon Santos , Regional Chief  ng Criminal Investiigation and Detection Group Regional Field Unit  Calabarzon (CIDG RFU4-A) mula kay CIDG provincial Officer Lt. Col.Mark Jason Gatdula , naaresto ang suspek na si Gino Sagarino, 27 anyos na residente ng Barangay Bigo, Pagbilao.

Si Sagarino ay naaresto sa  ikinasang operasyon ng CIDG Quezon PFU , PIU Quezon  PPO , Pagbilao MPS at PHPT Quezon  nitong Miyerkules sa Barangay Bigo, Pagbilao ng lalawigang ito.

Inihain ang warrant of arrest kay Sagarino na may 5 counts statutory rape o  Art. 266-A Par. (D) of the Revised Penal Code na inisyu ni Hon. Aristotle Reyes, Presiding Judge of Family Court Branch 15, ng Lucena City, Quezon na walang  nirekomendang piyansa.