IPINAKITA ng Bureau of Immigration (BI) nitong Lunes na walang mga stamp ng immigration ng Pilipinas ang pasaporte ni Alice Guo.
Agad na isinagawa ng BI ang pagsusuri sa pasaporte ng Pilipinas na ipinakita ni Guo nang siya ay dumating noong Setyembre 6.
Ang kanyang pasaporte, na inilabas noong Setyembre 4, 2020 sa Angeles, at valid ito hanggang 2030 at nakasaad dito na siya ay ipinanganak sa Tarlac, Tarlac.
Lumabas sa imbestigasyon ng BI na walang mga Philippine stamps na natagpuan sa parehong pasaporte nina Sheila at Alice Guo na kung saan ay illegal na nakaalis ng bansa at hindi dumaan sa immigration inspection.
Nakatakdang dumalo si Guo sa pagdinig sa Senado ngayong araw ng Lunes upang bigyang linaw ang mga pangyayari.
Top of Form
Bottom of Form