NAKAALIS na ng bansa ang American septuagenarian na naging headline sa social media dahil sa paninirahan sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa loob ng halos isang .
Lumalabas sa talaan ng Bureau of Immigration (BI) na dumating ang hindi pinangalanang 76-anyos na Amerikanong lalaki mula sa Bangkok noong Enero 31.
Dati niyang sinabi sa media na siya ay biktima ng pagnanakaw, ngunit mayroon pa ring natitirang pera at nabubuhay lamang sa mga donasyon mula sa mga manggagawa sa paliparan at iba pang mga pasahero.
Ang kanyang sitwasyon ay naiulat na sa US embassy sa Manila, na nagpasimula ng tulong para sa kanya.
Kinumpirma ng BI na hindi nag-overstay ang lalaki sa kanyang visa at umalis patungong Bangkok nitong Pebrero 22.
