May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Antigen test ng mga dayuhang papasok ng Pinas , pinayagan na ng IATF

Ni Lilay Dela Cruz

PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force  for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID)   ang mga pasaherong papasok sa bansa sa paggamit lamang ng  rapid antigen test .

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson and Communications Secretary Martin Andanar, dapat lamang ay negatibo sa Covid-19 ang mga byaherong papasok .

Dapat rin na ginawa ito ng mga healthcare professionals sa mga  healthcare facility, laboratoryo, clinic, parmasiya o kahalintulad nito.

Nararapat din na fully vaccinated o may vaccination card na maipakita ang mga dayuhan bago sila makapasok sa bansa.