May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Aplasca , nagresign na pwesto sa OTS

NAGSUMITE na ng courtesy resignation si Office of Transportation Security OTS Administrator Ma O.Plasca kahapon bilang tugon sa hamon ni House Speaker Romualdez dahil sa kapalpakan sa paliparan.

Sa liham ni Aplasca kay President Bongbong Marcos ,sinabi nitong naging tapat siya sa kanyang tungkulin at naging masigasig sa pagsugpo ng katiwaliwaan sa airport.

Ayaw rin niya aniyang  mabinbin  o harangin sa kongreso ang panukalang budget sa taong 2024 .

Una nang sinabi  ni Romualdez kay  Aplasca na magresign dahil nakakadismayan at ilang ulit ng nakawan na nagpapasama sa imahe ng Pilipinas.

Kabilang na rin dito ang nangyaring nakawan noong nakaraang linggo sa airport kung saan ay nilunok ng isang empleyado ang $300 na ninakaw sa isang dayuhan.