
DALAWANG drug suspek inaresto ng pulisya nitong Huwebes kasunod ng pagkakakumpiska ng baril at shabu na nagkakahalaga ng mahigit P400,000 sa isang entrapment operation sa Abucay, Bataan.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO3) director Brig. Gen. Jean Fajardo, kay Bataan police acting director Col. Marites Salvadora ang mga suspek na sina alyas “Amer,” 31, negosyante na naninirahan sa Samal, Bataan; at alyas “Salen,” 40, construction worker at residente ng Orani, Bataan.
Inilunsad ng pinagsanib na operatiba ng Bataan Provincial Intelligence Unit sa pangangasiwa ni Lt. Col. Roldan Gallano at ng Station Drug Enforcement Unit ng Abucay police sa ilalim ni Maj. Gerald John Bautista, sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 3, sa Bgy. Mabatang, Abucay.
Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong maliliit na plastic sachet at dalawang malalaking sukat ng shabu na nagkakahalaga ng P469,200, isang cal. .38 revolver na puno ng apat na bala, at ang marked money.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa mga naarestong dalawa.