PABABALIKIN na sa Pilipinas mula Timor Leste ang datimg mambabatas na si Arnolfo Teves Jr., sa lalong madaling panahon, ayon sa pahayag ng Department of Justice (DOJ) nitong Sabado .
Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano IV na ayaw na ng Pangulo ng Timor Leste na manatili si Teves sa kanilang bansa.
Aniya, sinabi mismo ng Pangulo ng Timor-Leste na si José Ramos-Horta, na hindi na magtatagal ay papabalikin na si Teves sa Pilipinas upang hindi na magtagal pa ito sa kanilang bansa.
Sinabi ni Clavano na ang gobyerno ay handa na para sa proseso ng extradition na inaasahang mangyayari pagkatapos ng pagbisita ni Pope Francis sa Timor Leste sa susunod na linggo.