
ISANG 23-taong gulang na babaeng estudyante ang umano’y nagpakamatay noong Biyernes sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikalimang palapag ng isang paaralan sa Angeles City, Pampanga.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3 director na si Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., ang biktima ay nakilalang si Lourdes Valdez, estudyante ng Psychology sa Angeles University Foundation (AUF) sa Bgy. Salapungan, Angeles City.
Sa imbestigasyon si Valdez, isang naninirahan sa Bgy. Madapdap, Mabalacat City, na bigla na lamang tumalon mula sa ikalimang palapag ng gusali ng AUF nang hindi malaman ang dahilan.
Agad siyang dinala ng mga saksi sa AUF Medical Center, kung saan siya ay ideneklarang dead on arrival.
Habang nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing pangyayari.