
ISANG babae ang natagpuang hubo’t patay noong Huwebes sa likod ng isang lumang simbahan sa Canlubang Golf Course sa Brgy. Canlubang, Lungsod ng Calamba, Laguna.
Ang biktima ay isang 37-taong gulang na residente ng Zamboanga del Sur, ayon sa passport na narecover sa crime scene.
Ayon kay security guard Madrono Fetallano Canesco, siya ay nagpapatrol patrol nang tawagin siya ng isang concerned citizen hinggil sa isang babae na nakahiga sa damuhan sa likod ng Simbahan ng San Jose Manggagawa sa old Canlubang Golf Course sa Sitio Old Stable, Brgy, Canlubang, bandang 8 ng umaga kahapon.
Kaagad na ini-inspeksyon ni Canesco at nagulat siyang makita ang biktima na hubo’t patay. Agad niyang tinawagan ang pulisya.
Ang mga tauhan ng Scene of the Crime Office ay nagtungo at isinagawa ang imbestigasyon.