June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Babaeng Top2 MWP ,arestado nang kumuha ng police clearance sa Calamba City

Ni Emmanuel Santiago

BUMAGSAK sa kamay ng awtoridad ang isang babaeng top 2 Most Wanted Person na kumukuha ng police clearance sa Calamba City Police Station kahapon, Martes.

Ayon sa ulat ni Pol. Lt. Col. Arnel S Pagulayan, hepe ng Calamba CPS, kinilala ang suspek na si Joyce Ann San Antonio, 34 taong gulang ,production operation at residente ng Brgy. Bañadero, Calamba City.

Nagbabasakaling kumukuha ng police clearance si San Antonio upang mag-aaplay sana ng trabaho ngunit nang beripikahin sa PNP E-warrant system ay lumabas na may nakabinbin na warrant of arrest ito na inilabas ng Regional Trial Court Branch 61 ng Baguio City ,Benguet noong ika-24 ng Agosto, 2021.

Kasong pag-angkat ng ipinagbabawal na gamot o paglabag sa sec. 4 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at walang nirerekomendang piyansa sa kanya.

Mariing pinabulaan naman ito ng suspek ,ngunit pansamantalang ikinulong ito ng Calamba CPS .Sinabi naman ni Laguna Provincial Director PCol. Rogarth Campo, “parte ng standard operating procedure sa pag-release ng police clearance ay ang pagberipika muna dito upang masiguro na hindi mabibigyan ng police clearance ang sinumang may standing warrant of arrest.”.