June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Big time rollback ng petrolyo sa susunod na linggo na

Ni Alex dela Cruz

Sa kabila ng walang humpay na pagtataas ng presyo ng petrolyo, inaasahan naman na sa susunod na linggo ay magkakaroon ng big time oil price rollback sa bansa .

Hindi pa man masabi kung magkano ang magiging bawas presyo sa mga produktong petrolyo ,ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad .

Sinabi naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi na maaring P5 kada litro ang maaring ibawas sa gasolina habang P12 pesos naman sa diesel.