HUMINA na ang bagyong “Pepito” na may (international name Man-yi) at nasa lalawigan na ng Nueva Vizcaya ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa inilabas na 8 p.m. bulletin nitong Linggo, sinabi ng state weather bureau na ang “Pepito” ay may lakas na hangin na 165 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 275 kph habang kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.
Sinabi ng PAGASA na ang gitnang bahagi ng lalawigan ng Aurora, kasama ang Quirino at Nueva Vizcaya ay ibinaba na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 dahil si Pepito ay inaasahang lalabas sa landmass ng Luzon sa pamamagitan ng mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, o timog Ilocos Sur Linggo ng gabi o madaling araw ng Lunes.
“Sa panahong ito, ang Pepito ay hihina dahil sa interaksyon sa lupa at malamang na lalabas sa West Philippine Sea bilang isang bagyo,” sabi ng PAGASA.
Ang iba pang lugar sa ilalim ng TCWS No. 4 ay ang southern portion ng Ifugao province (Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, Lagawe towns), Benguet, the southern portion of Ilocos Sur (Alilem, Sugpon, Suyo, Santa Cruz, Tagudin, City of Candon , Santa Lucia, Salcedo, Galimuyod, Cervantes, Sigay), La Union, ang northern and eastern portions of Pangasinan (Sison, T rubio, Laoac, San Jacinto, San Fabian, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Umingan, Mangaldan, Mapandan, Villasis, Santo Tomas, Dagupan City, Anda, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Lingayen, Binmaley, Sual, Labrador), at ang hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Bongabon, Pantabangan, Rizal, Lupao, San Jose City, Carranglan, Science City of Muñoz, Talugtug, Cuyapo, Llanera).
Itinaas ang TCWS No. 3 sa katimugang bahagi ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Luna, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, San Manuel, Burgos), at ilang bahagi ng Ifugao, Mountain Province, at southern portion ng Kalinga (Pasil, Tanudan, Lubuagan, Tinglayan), southern portion ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bangued, Manabo, Boliney, Peñarrubia, Bucloc, Sallapadan, Bucay), at ilang bahagi ng Ilocos Sur, bahagi ng Pangasinan, northern at eastern portions ng Tarlac (Paniqui, La Paz, Moncada, City of Tarlac, Gerona, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria, Camiling, Concepcion, Ramos, San Manuel, Anao), ang natitirang bahagi ng Nueva Ecija, at ang natitirang lalawigan ng Aurora .
Ang Metro Manila gayundin ang natitirang bahagi ng Isabela, timog-kanlurang bahagi ng mainland Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, Rizal), ang natitirang bahagi ng Kalinga, ang katimugang bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao), natitirang bahagi ng Abra, Ilocos Norte, Zambales, ilang bahagi ngTarlac, northern portion of Bataan (Orani, Abucay, Hermosa, Samal, Dinalupihan), Pampanga, Bulacan, Rizal, northeastern portion of Laguna (Kalayaan, Paete, Pangil, Pakil, Siniloan , Famy, Santa Maria, Mabitac), at ang hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang ang Polillo Islands, ay nasa ilalim ng TCWS No. 2.
Samantala, ang natitirang bahagi ng mainland Cagayan, natitirang bahagi ng Apayao, bahagi ng Bataan, Cavite, bahagi ng Laguna, Batangas, gitnang bahagi ng Quezon (Calauag, Pitogo, Lucena City, Pagbilao, Tiaong, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, San Antonio, Alabat, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Macalelon, Mauban, Dolores, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Tagkawayan), Lubang Islands, at western portion ng Camarines Ang Norte (Santa Elena, Paracale, Labo, Vinzons, Jose Panganiban, Capalonga) ay nasa ilalim ng TCWS No. 1.
Nagbabala ang PAGASA na posible pa rin ang malalaki hanggang sa matinding epekto mula sa lakas ng hanging bagyo sa alinman sa mga lugar sa ilalim ng TCWS No. 4 at katamtaman hanggang sa makabuluhang epekto sa mga lugar sa ilalim ng TCWS No. 3.
Ang “Pepito” ay patuloy na kumikilos sa pangkalahatan kanluran hilagang-kanluran at maaaring lumabas sa Philippine Area of Responsibility PAR region sa Lunes ng umaga o tanghali.
