May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

Barangay chairman candidate, pinagbabaril ng riding-in -tandem

NASAWI sa papamaril ang isang 34-anyos na  kandidato sa pagka-kapitan ng barangay sa Montevista  Davao de Oro ,Martes ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Alvin Garcia , kandidato sa pagka barangay chairman ng Camantangan sa bayan ng Montevista.

Base sa ulat ng mga otoridad, pinagbabaril ng riding in tandem ang biktima nang papauwi na ng kanyang bahay matapos ang pangangampanya bandang alas 9:40 ng umaga .

Napag-alamanan na unang pagkakataon itong tumakbo sa pulitika kaya naman nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang  alamin may  kaugnayan nito sa pulitika .