
LUSOT na sa ikalawang pagbasa sa mababang kapulungan nitong Lunes na amyendahan ang House Bill (HB) 11287, na baguhin ang termino ng panunungkulan ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) mula sa tatlo. taon hanggang anim na taon.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga elective barangay at SK officials ay magkakaroon ng two-term at one-term limit.
Ang panukalang batas, na pangunahing inakda ni Speaker Romualdez, ay nagtatadhana na ang magkakasabay na Barangay at SK na halalan ay gaganapin tuwing anim na taon sa ikalawang Lunes ng Mayo, simula sa 2029.
Naksaad din ng HB 11287 na ang mga kasalukuyang opisyal ng Barangay at SK na inihalal noong Oktubre 2023 ay mananatili sa opisina hanggang sa susunod na halalan sa Mayo 2029, maliban kung mas maagang maalis o masuspinde nang may dahilan.
Kasama sa Speaker bilang may-akda ng panukala ay sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, at iba pa. Ang mga co-authors ng Bill na sina Rep. Ma Victoria Co-Pilar (6th District, Quezon City) at Arnan Panaligan (1st District, Oriental Mindoro) ay nag-sponsor ng panukala sa plenaryo.